2005 unang beses ako tumungtong sa lupa ng America. First time ko din nakalabas ng bansang Pilipinas. Naiwan ko ang aking girl friend para subukan ang aking swerte. Sa loob ng isang buwan, pinasyal kami ng aming kamag-anak sa Yosemite ng isang araw na road trip at sight seeing. Ok naman maganda ang tanawin dinaan din kami sa golden gate bridge para makita namin ito. Lumipas ang mga araw dumating na ang aking SSS, lisensya at ID. Ako ay sumubok mag apply sa target isang pamilihan sa mall ng Serramonte, ako ay natanggap bilang isang taga stock ng gamit sa likod at minsan sa mismong pamilihan at ang oras ng aking trabaho ay pang 10 ng gabi hanggang 6 ng umaga. Nagkaroon ako ng mga kaibigan minsan eh lalabas sa off para maglaro ng basketball. Tiis tiis kahit sobrang nakakalungkot dahil para ka lang nakakulong, nasa loob ka lang ng compound ng target at gabi gabi malakas man ng hangin at hamog ako ay naglalakad lang papasok sa aking trabaho. Wala akong computer or cellphone kaya hindi kami masyado nakakapagusap ng aking girl friend ng mga panahon na yun, tyaga tyaga sa sulat lang ang aming communication. Lumipas ang mga panahon nakabili ako ng kotse, talagang pinagsikapan ko makabili ng kotse para makaiwas sa lamig sa gabi at hamog. Lumipas pa ang panahon eto na at malapit na ang pasko hindi ko na matiis ang lungkot sa trabaho ng gabi at parang wala ka na kasing buhay kundi matulog sa umaga pumasok sa gabi kaya napilitan na ako humanap ng ibang trabaho. Sa parehong taon, natanggap muli ako sa isang dealer ng sasakyan taga gas ng kotse, taga ayos ng parada, tagalinis ng garahe. Ok naman sana pero hindi ko din natiis at ako ay umalis din.
Taong 2006 muli ako natanggap sa EA sports game sa Redwood City bilang isang taga subok ng laro sa xbox na Godfather ngunit isang linggong trabaho lamang iyon. Masaya kasi naglalaro ka lang ng game at nagbibigay ng opinion sa mga taong gumawa nito at binabayaran ka libre na parking, libre pa miryenda sa hapon. Natapos ang aking trabaho dito at nagsimula nanaman ako humanap ng iba at sa hindi inaasahang pagkakataon niyaya ako ng aking dating katrabaho sa target na magapply kami sa SFO airport. Hindi ako masyado umasa dahil madami kaming nagapply ng mga panahon na yun pero talagang pinagpala ako at ako ay natanggap bilang isang baggage handler sa easy check in ng domestic flight. Masaya kasi madami akong taong nakikita, nakakausap at nakikilala na mga taga ibang lugar din. Kami ng girlfriend ko eh nagtatawagan lang, bumibili ako ng phonecard para makatawag sa kanya. Lumipas ang mga panahon at nagkaroon siya ng trabaho, ako naman ay nakabili ng computer kaya kada day off niya kami ay nakakapagchat sa YM. Kinukwento ko sa kanya ang buhay ko dito na mahirap, malungkot. Naalala ko pa na ang nanay ko isang buwan lang dito eh umiiyak, gusto na niya umuwi ang sabi ko lang sa kanya susubukan ko nandito na ako eh. Lumipas ang limang buwan ko sa trabaho at biglang nag layoff ang airport ng mga trabahador ngunit sa kabutihang palad ako ay nalipat sa baggage claim ngunit hindi ako gaanong nakatagal dito dalawang buwan lang ang makalipas ako ay naghanap ng trabaho at pinagpala na naman akong matanggap sa parking company naging isa akong valet sa isang mall na kung tawagin eh Bloomingdale. Makalipas ang ilang linggo ako ay humingi ng tulong sa aking Uncle na ipasok ako sa hotel na kanyang pinagtratrabahuan sa parehas na kumpanya, nagtrabaho ako ng dalawang linggo sa Grand Hyatt Hotel sa San Francisco bilang isang valet pa din, makalipas ang dalawang linggo nilipat naman ako sa W Hotel sa San Fransisco pa din na hanggang ngayon eh nandun pa din ako.
No comments:
Post a Comment