Bumalik na ako sa work nung nakaraang Oct. 17 pero parang may kulang, yung pagiging free kasi feeling ko bumalik ako sa work dahil kailangan ko na magbayad ng bills ko, lagi ko sinasabi sana nanjan na lang ako kasi iba talaga ang feeling ehh kahit mahirap may nagagawa ka dito ehh hindi ka basta basta makakilos hindi katulad saatin na gusto mo magrelax ehh punta ka lang SM kahit window shopping lang may makikita ka pa ng kaibigan. Iba na din ang panahon ngayon dami na sira ulo sa work na mga tao na gusto nila hindi magbabayad sa parking nila ehh hindi naman sila makaligtas kasi hindi rin namin binibigay yung kotse pag ayaw nila magbayad. Dumadami na rin ang nakawan sa garahe kaya todong pagiingat na kasi lagi ka masisis pag initial mo nakalagay sa ticket at possible na matanggal ka pa sa work dahil lang sa kagagawan ng iba. Nung nakaraang wednesday palakad lakad yung suspect namin dun sa driveway sarap tirahin pero iba kasi law dito kaya timpi lang talaga kahit marami na siya nadaling kotse sa loob ng garahe kailangan daw kasi sabi ng boss ko na mahuli talaga sa sakto habang pinagnanakawan yung kotse. Saka dumadami din ang barilan lagi sa news na may patay binaril.
Saturday, October 22, 2011
Thursday, October 6, 2011
October 5, 2011
Musta na internet mga readers lumabas na ang anak ko sa wakas its a boy 2 weeks na mahigit ang nakakalipas busy week para saaming magasawa salamat sa nanay sa lola pinsan at tiyahin sa mga tulong nila saamin pati sa pag alaga. Eto nanaman po ako nagsasabi hirap talaga ng buhay abroad, sabi ko sa sarili ko handa na ako yun pala hindi tama nga si mang andres sa 100 days to heaven "matututunan mo lang ang pagiging magulang pag nandun ka na". Isispin mo pito na kamis sa isang bedroom na apartment tiis tiis lang talaga mahirap pero kailangan ehh hindi katulad saatin na pwede ka tumira sa bahay ng magulang mo kahit na may asawa at anak ka na hindi mo iisipin ang mataas na upa ilaw etc.meron ka pa sariling kwarto. Talagang susukatin ang pasensya mo at kung hanggang saan ka makakatiis, lagi nga sinasabi saakin swerte ko daw dahil nandito ako sa states pero hindi nila naisip kung ano yung pinagdadaanan mo dito, hindi rin alam ng iba na yung ibang tao ehh kailangan pa ng dalawang o tatlong trabaho para lang matustusan ang gastos dito padala sa pamilya or pampaaral sa anak. Lagi kasi nakikita ng iba na pag umuwi ka madami ka pera dahil double yung value ng pera mo pero hindi nila alam kung ano pinagdaanan mo bago mo naiuwi yung perang yun. Ngayon naiisp ko may anak na ako kaya ko kaya ang buhay dito na kasama sila or titiisin ko din na magkalayo kami para mabigyan sila ng magandang kinabukasan, isa sa mga pagsubog na kailangan ko subukan bago ako makapag desisyon kung kaya o hindi.
Friday, June 24, 2011
june 24
Lilipas nanaman ang gitna ng taon, saka malapit na lumabas ang unang baby namin ni misis its a boy. tumanda nanaman pala ng isang taon ngayong june. Minsan talaga sa mga araw na lumilipas ehh nasa buhay ng tao na hindi mo maiwasan makaramdam ka ng kalungkutan padungaw dungaw lang sa bintana dahil wala ka naman mapuntahan at magawa niloloko ko nga mga kasama ko sa bahay "sabi ko mabuksan nga ng konti yung blinds ng makadungaw sa bintana ng preso natin" sa liit ng apartment na tinitirahan 1 bedroom 6 ang nakatira he! he! he!. kaya limitado lang ang kilos at ingay na pwede mo gawin.
Thursday, April 21, 2011
April 21, 2011
Hello! 1:18am na USA time gising pa hanggang ngayon day off saka excited kasi sa unang pagkakataon ehh makikita ko yung ultrasaound mamaya pag punta namin ni misis sa doctor. Ano kaya babae o lalake?
Wednesday, March 30, 2011
March 30, 2011
Mahirap talaga pag nasa ibang bansa ka. Naikwento ko nga sa mga katrabaho ko ang simpleng buhay na hindi mo magawa dito sa US kumain ng fishball sa kanto balot at kung ano ano pa, aakalain mo ba na hindi lang pala ako ang nakakaranas ng stress dahil gusto ko na umuwi sa pinas naikwento din saakin ng katrabaho kong ethopian ang simple niyang buhay sa kanila sa pagtitinda ng patatas. Karamihan kasi ng tao ehh inaakala na maganda ang buhay sa abroad kasi ang bawat individual ehh pag umuuwi sa kanilang bansa ay masyadong magarbo todo gastos. Tulad ng boss ko na pinoy ilang beses niya inurung yung paguwi niya dahil lang sa kulang ang baon pero kung iisipin mo ehh 13 years na niya hindi nakikita magulang niya sabi ko nga pera ba talaga ang problema kako hindi mo naman kailangan lagi magpa fiesta sa inyo para lang makasama mo ang magulang mo at makita nila ang anak mo. Sana maisip din ng ibang tao na nasa pinas na hindi porket nabibili or nakakabili ng mga bagay bagay ang nagaabroad eh mayaman na, sana maisip din tanungin kung paano pinaghirapan ang pera na yun. Maiba naman tayo ilang buwan na nakakalipas ng dumating ang aking misis dito sa US at ok naman kami, siya nga ay buntis na at ito ang unang anak namin excited na din ako. sana lang mabigay ko ang lahat ng pangangailangan nila sa araw araw sakripisyo na din saakin na talagang magtatagal ako dito para magtrabaho at magipon at isang tabi muna ang pangarap na makabuo ng isang old skool na auto. Mahirap din isang tabi ang gusto mo pero kailangan mong gawin para sa kinabukasan ng pamilya.
Subscribe to:
Comments (Atom)