Musta na mga nagbabasa, bilis ng panahon magtatapos nanaman ang taon ilang buwan na lang. oct 12, 2012 nagising ng medyo maaga aga kanina kumain ng tanghalian tapos umidlip ulit bago pumasok. ok naman sa trabaho ngayon wala naman pasaway kanin. Yun nga lang minalas nanaman ninakaw nanaman yung aking kotse na 1983 corolla wagon na ginagamit ko sa pang pasyal ko sa anak ko at pangdala ng labahin sa loundry shop hirap talaga ng buhay sa ibang bansa. sayang yung oras sa trabaho kasi napauwi ako ng maaga ng tawagan ako ni misis sa trabaho ng alas diyes ng gabi sinabi ko sa kanya tumawag na siya ng pulis para maireport. kaya eto hindi ako makatulog nagiisip isip kung ano dapat gawin dami na nga gastos dadagdagan pa, sana nasa pinas na lang ako para walang masyadong hassel.
Saturday, October 13, 2012
Saturday, August 11, 2012
August 11
Kamusta na ulit eto nanaman ako, sa mga nakalipas na buwan wala ako ginawa kundi mag trabaho lagi walang gala walang happenings. Iba ang pakiramdam ngayon iba pala pag nandito na ang asawa at anak mo parang lagi ka tinatamad magtrabaho kasi puro na lang reklamo na walang katuturan at mga walang sense dahil wala silang common sense hays. Masasabi ko pala na iba na pag nandito ang pamilya mo masaya dahil nandito na sila pero mahirap dahil parang noon kahit gaano kahirap yung trabaho kahit naaapakan ka na natitiis mo kasi nasa Philippines pa sila ang isip mo ehh mag work makuha bakasyon para makita sila mamasyal at mag enjoy at pag balik galing bakasyon simula nanaman ng ipon para sa susunod na taon. pero ngayon ehh iba na lagi nakakatamad pumasok kasi nandito na sila gusto mo sila kasama lagi tapos pag nakikita mo yung anak mo na humahabol sayo kasi papasok ka na tapos yung paghati ng time mo ehh mahirap trabaho tapos pamilya sa katulad kong madaling araw na ang uwi tulog na tapos pag gising ko ehh halos ilang oras na lang pasok nanaman ibang iba talaga, hindi katulad noon pag bakasyon mo bakasyon mo lagi kayo magkasama pasyal dito pasyal doon kain dito kain doon. Ang laki talaga ng pagbabago at iabat ibang pangyayari sa buhay.
Thursday, July 12, 2012
April 2012
Matagal tagal din ako hindi nakasulat dito, sya nga pala nagkaroon kami ng pagkakataon na makabakasyon at nagpunta kami sa Vigan at Pagudpod maganda pala dun at dami mo pwede puntahan na mga lumang tanawin. Byumahe kami ng halos 15 oras papuntang Vigan dahil dami stop over at problem sa sasakyan tapos mga 5 oras papuntang pagupod kasama na dito yung pagdaan sa mga lugar na pwede makita dito. Sarap talaga saatin he! he! he! akalain mo din na dami sick pay pag nagwowork ka samantalang dito ehh 7 days lang sa loob ng isang taon. Ang mga lugar na pinuntahan pala namin sa bakasyon na ito ay calle crisologo yung windmill yung lumang light house, baluarte, Marcos Museum and Mausoleum at dumaan din pala kami sa manaoag church bago kami tumulak papuntang Ilocos. Ang aming kainan ehh Jollibee, mang inasal at mcdo at puro kami value meal he! he! he!.
Subscribe to:
Comments (Atom)




