Monday, September 6, 2010
September 6, 2010 magisa lang po ako ngayon sa bahay ang aking mga kasama sa bahay ay nasa Las Vegas. Ganun talaga siguro kailangan magtrabaho ng makaipon at biglaan alis nila kaya hindi manlamang ako nakapagpaalam para makasama swerte swerte lang yan. Ang maganda lang ehh ako ay parang nakarelax kain tulog trabaho tahimik para ka lang nagyoyoga. Medyo tinamad ako magtrabaho kahapon dalawang oras lang ehh nagpaalam ako sa mga kasama ko kung pwede na ako umuwi he he he medyo bugbugan kasi ehh last pay period akalain ko na naka 98 hours ako ng hindi ko namamalayan pasok lang ako ng pasok sa aking trabaho medyo may pigil pa yun sa overtime. Medyo magnda ganda lang sa trabaho nung nakaraang mga linggo dahil nakapag drive nanaman ako ng mga exotic car lambo, ferrari, bmw, porsche at lexus nagkaroon kasi ng event merong mga rich people na mga dumating pero sobrang kunat talaga sa pera ni hindi ka manlamang maabutan ng kahit magkano he he he. Isipin mo mga 35 cars yung pinarada namin na magagandang kotse mga pito lang siguro yung nagabot, sa bagay hindi ko sila masisisi mahal masyado mga auto nila siguro nauuwi sa insurance at pag bayad he he he.
Subscribe to:
Comments (Atom)