Friday, November 11, 2016

11/11/16

Kamusta na kayo eto ako ay ok naman at nagtratrabaho pa din. nakakasampung taon na ako sa aking trabaho hindi ko akalain na makakatagal ako ng ganito, ngunit sa panahon ngayon ay talagang pinapahirapan na kami sa aming trabaho. pinagkakasaya pa din ang buwanang sahod, netong mga nakalipas na mga araw ako ay napapaisip at nanonood sa youtube ng mga bagay bagay na magpupursige saakin na magbago ng dereksyon ang aking buhay. mga kahulugan ng asset, liability at passive income, madalas nila nababangit yung librong rich dad poor dad. meron din ako napanood na ang finacial freedom ay isang myth lamang, paunti unti sinusubukan ko itong intindihin dahil ako ay isang ordinaryong tao lamang na katulad ninyo at sana ehh pag tagal tagal ehh ako ay magkaroon din ng idea kung paano saan magsisimula? sa ngayon ehh medyo nangangamba dahil paycheck to paycheck ang aking buhay pag nawalan ng trabaho saan ka pupulutin.  

Saturday, May 31, 2014

5/31/2014

Kamust na mga madlam people matagal tagal din akong hindi nakasulat dito sapagkat madaming ginagawa at hindi biro magkaroon ng dalawang anak habang nagtratrabaho ka sa ibang bansa. Kakagaling lang namin sa bakasyon ng aking pamilya sa pinas pero sa bakasyong ito ay kumuha ako ng malaking responsibilidad sa eded na 30 ngyn ko talaga nararanasan ang bigat ng buhay dalawang anak at sa kagustuhan magkabahay. Ramdam na ramdam mo talaga ang tensyon sa isip at katawan kung saan ka maghahagilap ng pambayad pero sabi nga nila kailangan magsakripisyo para magkaroon ng ginhawa, ako na walang pagibig or bonus sa trabaho ehh iba talaga lahat ay dugot pawis para makaraos ang pinakamabigat talaga pag nagtratrabaho ka sa ibang bansa ehh bawal magkasakit dalawa hanggang tatlong trabaho para makaraos sa bayarin. Kalaban talaga ang stress at kahinaan ng loob sabi nga ng aking misis think positive sabi ko naman kahit gaano ako magthink positive hindi naman ako magkakaroon ng pera para tustusan ang pang araw araw na buhay kaya ang nasa isip ko lagi paano makakabante sa araw araw na buhay at paano ko bibigyan ng magandang buhay ang aking mga anak kasi minsan ehh hindi talaga kaya ng sipag lang kailangan talaga dumiskarte at makinig sa ibang nakataranda para magkaroon ng idea kung paano makakalagpas sa araw araw na buhay sapagkat ang nakatatanda sayo ay nagdaan na sa mga bagay at hirap na dinadanas mo ngayon.

Tuesday, June 4, 2013

Happy Birthday

Tumanda nanaman ako ng isang taon. Parang regular na lang na araw na dumadaan sa buhay mo ang birthday mo. nandito na ang kabiak at may dalawang anak na ako pero parang dami kong namimis sa buhay, trabaho bahay na lang ang everyday routine ko wala nang hobby wala pang freedom, hindi freedom sa asawa or anak kundi yung pwede kang kumilos ng maluwang sa loob mo at meron kang magawa sa day off mo sa simpleng pag arcade sa mall at pagkain sa jollibee na minsan nauuwi sa last full show sa sinehan. Dumaan na naman ang summer sa pinas. mag facebook ka lagi mo nakikita yung summer outing saatin samantalang ikaw ay nasa trabaho dahil kailangan may pera pambayad sa bills para sa katapusan. Dami nagsasabi saakin bakit hindi ka din mamasyal, sana ganun kadali at sana maisip nila na yung perang gagastusin mo ehh baka kapus pa sa ipang travel mo. parang minsan ehh kundi ka pa babatiin ng mga mahal mo sa buhay at kaibigan ehh parang dadaan ka na lang ng birthday mo ng hindi mo namamalayan. sa mga nakakabasa ehh pasensya na kayo siguro ehh ganun lang talaga dahil wala ka naman masabihan na ibang tao na makakaintindi sayo ng tama hanggat hindi nila nararanasan yung buhay sa abroad kaya madalas ehh puro reklamo nababasa ninyo siguro gusto ko lang na malaman din ng iba kung gaano kahirap mamuhay sa ibang bansa.

Saturday, October 13, 2012

october 12

Musta na mga nagbabasa, bilis ng panahon magtatapos nanaman ang taon ilang buwan na lang. oct 12, 2012 nagising ng medyo maaga aga kanina kumain ng tanghalian tapos umidlip ulit bago pumasok. ok naman sa trabaho ngayon wala naman pasaway kanin. Yun nga lang minalas nanaman ninakaw nanaman yung aking kotse na 1983 corolla wagon na ginagamit ko sa pang pasyal ko sa anak ko at  pangdala ng labahin sa loundry shop hirap talaga ng buhay sa ibang bansa. sayang yung oras sa trabaho kasi napauwi ako ng maaga ng tawagan ako ni misis sa trabaho ng alas diyes ng gabi sinabi ko sa kanya tumawag na siya ng pulis para maireport. kaya eto hindi ako makatulog nagiisip isip kung ano dapat gawin dami na nga gastos dadagdagan pa, sana nasa pinas na lang ako para walang masyadong hassel.

Saturday, August 11, 2012

August 11

Kamusta na ulit eto nanaman ako, sa mga nakalipas na buwan wala ako ginawa kundi mag trabaho lagi walang gala walang happenings. Iba ang pakiramdam ngayon iba pala pag nandito na ang asawa at anak mo parang lagi ka tinatamad magtrabaho kasi puro na lang reklamo na walang katuturan at mga walang sense dahil wala silang common sense hays. Masasabi ko pala na iba na pag nandito ang pamilya mo masaya dahil nandito na sila pero mahirap dahil parang noon kahit gaano kahirap yung trabaho kahit naaapakan ka na natitiis mo kasi nasa Philippines pa sila ang isip mo ehh mag work makuha bakasyon para makita sila mamasyal at mag enjoy at pag balik galing bakasyon simula nanaman ng ipon para sa susunod na taon. pero ngayon ehh iba na lagi nakakatamad pumasok kasi nandito na sila gusto mo sila kasama lagi tapos pag nakikita mo yung anak mo na humahabol sayo kasi papasok ka na tapos yung paghati ng time mo ehh mahirap trabaho tapos pamilya sa katulad kong madaling araw na ang uwi tulog na tapos pag gising ko ehh halos ilang oras na lang pasok nanaman ibang iba talaga, hindi katulad noon pag bakasyon mo bakasyon mo lagi kayo magkasama pasyal dito pasyal doon kain dito kain doon. Ang laki talaga ng pagbabago at iabat ibang pangyayari sa buhay.

Thursday, July 12, 2012

April 2012

Matagal tagal din ako hindi nakasulat dito, sya nga pala nagkaroon kami ng pagkakataon na makabakasyon at nagpunta kami sa Vigan at Pagudpod maganda pala dun at dami mo pwede puntahan na mga lumang tanawin. Byumahe kami ng halos 15 oras papuntang Vigan dahil dami stop over at problem sa sasakyan tapos mga 5 oras papuntang pagupod kasama na dito yung pagdaan sa mga lugar na pwede makita dito. Sarap talaga saatin he! he! he! akalain mo din na dami sick pay pag nagwowork ka samantalang dito ehh 7 days lang sa loob ng isang taon. Ang mga lugar na pinuntahan pala namin sa bakasyon na ito ay calle crisologo yung windmill yung lumang light house, baluarte, Marcos Museum and Mausoleum at dumaan din pala kami sa manaoag church bago kami tumulak papuntang Ilocos. Ang aming kainan ehh Jollibee, mang inasal at mcdo at puro kami value meal he! he! he!.










Saturday, October 22, 2011

October 22, 2011

Bumalik na ako sa work nung nakaraang Oct. 17 pero parang may kulang, yung pagiging free kasi feeling ko bumalik ako sa work dahil kailangan ko na magbayad ng bills ko, lagi ko sinasabi sana nanjan na lang ako kasi iba talaga ang feeling ehh kahit mahirap may nagagawa ka dito ehh hindi ka basta basta makakilos hindi katulad saatin na gusto mo magrelax ehh punta ka lang SM kahit window shopping lang may makikita ka pa ng kaibigan. Iba na din ang panahon ngayon dami na sira ulo sa work na mga tao na gusto nila hindi magbabayad sa parking nila ehh hindi naman sila makaligtas kasi hindi rin namin binibigay yung kotse pag ayaw nila magbayad. Dumadami na rin ang nakawan sa garahe kaya todong pagiingat na kasi lagi ka masisis pag initial mo nakalagay sa ticket at possible na matanggal ka pa sa work dahil lang sa kagagawan ng iba. Nung nakaraang wednesday palakad lakad yung suspect namin dun sa driveway sarap tirahin pero iba kasi law dito kaya timpi lang talaga kahit marami na siya nadaling kotse sa loob ng garahe kailangan daw kasi sabi ng boss ko na mahuli talaga sa sakto habang pinagnanakawan yung kotse. Saka dumadami din ang barilan lagi sa news na may patay binaril.


Related Posts with Thumbnails